Thursday, 18 October 2007

ang alamat ng visa

one of the requirement by malaysian embassy in manila for a work permit visa stamp is a medical clearance. hate na hate ko ang mag undergo nito kasi kahit mukha akong healthy eh marami po akong sakit. so ang usually 3 days process lang eh inaabot sa akin ng 7 days. kailangan ko magpabalik balik sa hospital para kumuha ng clearance sa mga doktor na specialist na napakamamahal sumingil at bukod pa dun ay kung ano anong pang mga tests ang ginagawa sa akin para lang ako iclear ng aking doktor. actually di naman malala ang aking sakit at hindi naman talaga ito makaaapekto sa aking trabaho or makahahawa sa aking mga katrabaho. pero kailangan lang talaga patunayan ito kaya kailangan ko magundergo sa mga tests na ito. so sa pagkahaba habang prosesong akong pinag daanan eh nakuha ko din ang aking medical clearance na nagsasabi na ako ay FIT TO WORK

so punta agad ako sa malaysian embassy para ipasa ang aking medical clearance para makuha ko na ang aking passport. aba pagdating ko ba naman dun eh hindi daw inasikaso yung aking passport kasi di ko daw binigay yung itenerary ko nung huling punta ko dun! anoh??? eh pinasa ko yun sa kanila nung araw din na yun, hindi nga lang sya ang nagrcv pero binigay ko sa kanila! sus.. martes na at sa sabado na ang aking flight.. kailangan ko ang aking passport!!! nagwala ako dun sa embassy.. nagsalita talaga ko ng malakas na this is not fair! i gave my itenerary to this office! with matching pagkuha ng pangalan nya saka nung nagrcv nung papel ko.

hindi ba sila naguusap usap dun sa loob kung ano ang mga natatangap nilang dokumento! nak ng teteng naman, ang tagal na nga inabot ng medical ko tapos di pa nila bibigay ang passport ko... natakot siguro yung babae dun sa pagwawala ko kaya ayun aasikasuhin nya daw, kinabukasan daw ng umagang umaga makukuha ko passport ko kahit hindi pa daw oras ng visa release. hay.. bwisit talaga ko pero wala akong magagawa kundi ang bumalik ulit kinabukasan... sus talaga! eh kailangan ko pa kayang dumaan ng poea pagkakuha ko ng passport ko.

kinabukasan ng maaga eh nandun na ko.. kahit di pa visa releasing eh nakuha ko naman ang passport ko.. hay.. tinamad na din ako ireklamo sila kasi need ko pa dumaan ng poea at baka dun eh maubos uli ang aking pasensya.. mahaba na din malamang ang pila dun.. panibagong alamat ng paghihintay na naman to...

Wednesday, 26 September 2007

ang saya saya!!!

grabe ang saya saya ko! i just got my passport today already stamped with my new work permit here in UK. that means i can fly back this friday. but the best news is that since expire na din yung work permit ko sa Malaysia, where i am really base, they have to send me back to Manila to take care of it sa POEA. sa KL lang kasi ako entitled umuwi dapat. o diba exciting, makakauwi ako sa pinas!!! yahoo!!! ang bait talaga ni Lord, akalain mo pinauwi ako ng pinas ng libre. although dami ko dapat asikasuhin sa pinas in 2 weeks time eh happy pa din ako and thankful. miss ko na din ang KL pero syempre mas miss na miss ko ang pinas at ang aking baby bear!

Monday, 24 September 2007

homesick... almost



im entitled to fly back to KL every 10 weeks. i was supposed to fly back last sept 14 but because my work permit here in UK is about to expire on oct 1, they have to renew it before i fly back.. unfortunately, its already sep 24 and my passport is still not with me so i obviously cant fly!!! i really would love to have a break from london.. i miss my baby bear.. i miss KL...

Thursday, 20 September 2007

gusto kong magswimming



tamang homesick ako ngayon... tingin ako ng tingin sa pictures ng baby bear ko. isa to sa mga favorites ko na picture nya, relax na relax sa tubig.. hehe..

ayoko na ngang tingnan kasi lalo lang ako nahohomesick pero di ko naman mapigilan... naiimagine ko tuloy dati nung di pa uso ang digital camera at ang internet.. pano kaya yung mga ofw nun.. pano kaya sila pag nahohomesick.. ang hirap siguro..

Friday, 14 September 2007

slow down


ilang tulog na lang at 30 na ko... happy naman ako kaya lang parang feeling ko eh dapat mas marami pa ko naachieve at this age.. pero greatest achievement ko talaga yung baby bear ko... pag naiisip ko sya parang kahit anong edad pa ko eh panalo talaga!

Thursday, 13 September 2007

ang cute


ang cute ng bagong ipod nano!!! gusto ko!!! kaso may ipod video na ko.. di naman practical na dalawa pa ang mp3 player ko... unless iregalo ko na lang kay hubby yung luma.. on the other hand 8 gig lang yung capacity nitong ipod nano.. wag na lang... konting video lang ang malagay ko dun... pero ang cute talaga nya!!

gusto ko nito


gusto ko ng nintendo ds lite... yung kulay pink.. bibili talaga ko nito pagbalik ko ng KL.. mas murang di hamak dun kesa dito sa london... sabagay wala namang mura dito.. :-)

magiging akin ka din...

Friday, 24 August 2007

cambridge

click for more picture

nagpunta kami sa cambridge last july 21... last weekend na kasi ni choko dito sa london, tapos na yung project nya kaya uwi na sya sa pinas... ayun nagyaya ng pasyal.

bale ako, si choko saka si andie lang ang namasyal.. yung iba kasi naming kaberks eh bisibisihan... sa gabi na lang daw magkitakits... may imeet kami na pinay dun sa cambridge, nameeet ni choko sa airport and nagsabi na pag punta daw sya ng cambridge eh tawagan sya para maipasyal, so tinawagan ni choko.. roxy ang name nya... bait talaga ng kapwa ofw.... medyo tinanghali na nga kami kaya past 11 na kami nakarating ng cambridge station, tapos text namin si roxy and maya maya dumating na sya.. dinala nya kami sa town tapos dami na dun nag aalok ng punting.. ano yun... hehe... nun ko nga lang din nalaman yung punting... sa mga di nakakaalam, ganito yun...



punt yung tawag sa bangka, punter naman yung driver, panty naman yung sinusuot ng mga babae, pwede din naman ng lalake..hehe... grabe ang popogi nung mga punter... narealize ko kung sa pinas to malamang ang pangit ng punter.. hehe.. at in fairness mga nakajaporms pa... yung iba naka suit.. kala mo manager... mga estudyante daw ng cambridge karamihan ang punter.. sideline nila... beermoney daw sabi nung punter namin.. hehe...

nakabili din ako ng harry potter book 7 dun sa isang bookstore dun. nagulat kasi ako at mas mura yung book dun kesa sa central london... GBP10 lang dun eh samantalang 13 sa mga bookstore sa central london... may mas mura pa nga kaming nakita kaya lang sold out agad eh... binili ko na din at sayang din yung 3 noh...

ganda dun sa cambridge, kung may chance kau punta din kau.. thanks kay roxy na kahit first time lang naming nakilala eh pinasyal kami... sa uulitin.. :-)

Thursday, 23 August 2007

PROUD OFW


nabwisit ako nung mabasa ko ang article ni malu.. kala nya yata porket mayaman sya eh pwede na syang mang apak ng kapwa nya.. actually mas nagulat ako at pinayagan na mapublish ang ganito kainsensitive na article.. sana matauhan yang malu na yan.. i bet this is experience will humble her.. good for her...

hindi ako usually nagsusulat ng mga paghihirap ko as OFW sa blog ko kasi feeling ko di ko na kailangan ipangalandakan yun diba... kasi obvious yun eh, parang super sensitive na lang talaga ang di makakaisip nun... kaya para sau malu ang wento ko

ako lang ang medyo maayos at stable ang work sa family namin kaya ako tumatayong bread winner.. tapos nung nag asawa ako di ko pa din giniveup yung pagtulong sa kanila.. kaya ayun walang ipon.. and then i got pregnant and we were so happy.. kaya lang medyo nagiisip na din kaming mag asawa nun kung kaya ba ng budget namin pag may baby na.. pero syempre bukod dun eh sobrang excited kami sa pagdating ng baby namin... and then nanganak na nga ako.. may budget naman kami sa pagkapanganak ko kaya lang kinulang kasi may phlegm daw yung baby ko sa lungs and need nya mag antibiotic for 1 week. and so ayun na nga, medyo nahihirapan na kami magbudget kaya kahit 3 months pa lang baby ko eh inaccept ko yung job offer sa KL.. sobrang ayoko iwan ang baby ko pero kailangan magpakatatag... grabe, gabi gabi yata ako umiiyak nun.. ayoko nga na nag gagabi eh.. kasi eto yung time na magisa na lang ako sa room ko at namimiss ko talaga sila... my hubby sends me a picture of our baby everyday.. nakakatuwa kasi everyday eh lumalaki sya.. pero sobrang nakakalungkot din kasi wala ako dun.. regret ko talaga na wala ako dun sa tabi nya pero wala naman akong choice eh... tama na nga at baka maiyak pa ko dito...

so ganun nga malu, ganun nga kahirap... kung sabi nila nasa huli ang pagsisisi, sa aming mga ofw na may mga iniwan na anak sa pinas, sa una pa lang nagsisisi na kasi iiwan namin ang mga anak namin... pero walang lugar ang pagsisisi sa mga katulad namin na hindi kasing yaman mo.. dinudurog talaga ang puso namin sa pagiwan namin sa anak namin and the least we expect from the likes of you is to just shut up.... but you didnt... so i hope you realized how selfish and self centered you are....

eto pala ang excerpts sa article ni malu fernandez

"However I forgot that the hub was in Dubai and the majority of the OFWs (overseas Filipino workers) were stationed there. The duty-free shop was overrun with Filipino workers selling cell phones and perfume. Meanwhile, I wanted to slash my wrist at the thought of being trapped in a plane with all of them.

While I was on the plane (where the seats were so small I had bruises on my legs), my only consolation was the entertainment on the small flat screen in front of me. But it was busted, so I heaved a sigh, popped my sleeping pills and dozed off to the sounds of gum chewing and endless yelling of “HOY! Kumusta ka na? At taga sann ka? Domestic helper ka rin ba?” Translation: “Hey there? Where are you from? Are you a domestic helper as well?” I though I had died and God had sent me to my very own private hell.

On my way back, I had to bravely take the economy flight once more. This time I had already resigned myself to being trapped like a sardine in a sardine can with all these OFWs smelling of AXE and Charlie cologne while Jo Malone evaporated into thin air."

somerset

pasyal kami ng mga kaberks ko dito sa london last august 11.. our destination... somerset.. its supposed to be a beach pero actually di sya mukhang beach.. hehe.. para kaming nasa dubai..

eto mga pix namin...

Wednesday, 22 August 2007

girl power



* If a man wants you, nothing can keep him away.
* If he doesn't want you, nothing can make him stay.
* Stop making excuses for a man and his behaviour.
* Allow your intuition (or spirit) to save you from heartache.
* Stop trying to change yourself for a relationship that's not meant to be.
* Slower is better.
* Never live your life for a man before you find what makes you truly happy.
* If a relationship ends because the man was not treating you as you deserve then heck no, you can't "be friends".-- A friend wouldn't mistreat a friend.
* Don't settle. If you feel like he is stringing you along, then he probably is.
* Don't stay because you think "it will get better." You'll be mad at yourself a year later for staying when things are not better.
* The only person you can control in a relationship is you.
* Avoid men who've got a bunch of children by a bunch of different women. He didn't marry them when he got them pregnant, why would he treat you any differently?
* Always have your own set of friends separate from his.
* Maintain boundaries in how a guy treats you.
* If something bothers you, speak up.
* Never let a man know everything. He will use it against you later.
* You cannot change a man's behaviour. Change comes from within.
* Don't EVER make him feel he is more important than you are... even if he has more education or in a better job.
* Do not make him into a quasi-god. He is a man, nothing more nothing less.
* Never let a man define who you are.
* Never borrow someone else's man. If he cheated with you, he'll cheat on you.
* A man will only treat you the way you ALLOW him to treat you.
* All men are NOT dogs.
* You should not be the one doing all the bending...compromise is two way street.
* You need time to heal between relationships...there is nothing cute about baggage... deal with your issues before pursuing a new relationship.
* You should never look for someone to COMPLETE you... a relationship consists of two WHOLE individuals... look for someone complimentary...not supplementary.
* Dating is fun... even if he doesn't turn out to be Mr. Right.
* Make him miss you sometimes... when a man always know where you are, and you're always readily available to him - he takes it for granted.
* Never move into his mother's house.
* Never co-sign for a man.
* Don't fully commit to a man who doesn't give you everything that you need.
* Keep him in your radar but get to know others.

crocs

found an article on the web about crocs and elevator accidents... apparently marami ng case na ganito... please read the link

http://for-jograd.livejournal.com/31433.html?mode=reply

my first try at polyvore..

found this cute site (polyvore.com).. its so kikay.. love it

Saturday, 21 April 2007

london eye



my first weekend in london and i went to see the london eye.. not as impressive as i thought.. although i would always be thankful for being there at the right time because this is where i met the people that turned out to be my friends while im in london

Friday, 13 April 2007

i might visit the queen

flight ko sa sat (april 14, 2007) papunta ng london. may project dun and kailangan nila ng magaling na programmer, syempre ako pinadala ng company ko.. hehe ang yabang.. syempre.. yabang pinoy eh...

well anyway, excited ako kasi first time ko sa london.. pero sad ako kasi di ko kasama ang baby bear ko. unlike dito sa KL na di need ng visa ng mga filipino eh di ko makakaray ang anak ko dun.. not to mention na mahal ang airfare papunta dun kaya di ko afford na isama si yaya noh.. wish ko lang maka apply din ng visa hubby ko saka si baby bear para makarating din sila ng london..

new world, new challenge... i love it..