one of the requirement by malaysian embassy in manila for a work permit visa stamp is a medical clearance. hate na hate ko ang mag undergo nito kasi kahit mukha akong healthy eh marami po akong sakit. so ang usually 3 days process lang eh inaabot sa akin ng 7 days. kailangan ko magpabalik balik sa hospital para kumuha ng clearance sa mga doktor na specialist na napakamamahal sumingil at bukod pa dun ay kung ano anong pang mga tests ang ginagawa sa akin para lang ako iclear ng aking doktor. actually di naman malala ang aking sakit at hindi naman talaga ito makaaapekto sa aking trabaho or makahahawa sa aking mga katrabaho. pero kailangan lang talaga patunayan ito kaya kailangan ko magundergo sa mga tests na ito. so sa pagkahaba habang prosesong akong pinag daanan eh nakuha ko din ang aking medical clearance na nagsasabi na ako ay FIT TO WORK
so punta agad ako sa malaysian embassy para ipasa ang aking medical clearance para makuha ko na ang aking passport. aba pagdating ko ba naman dun eh hindi daw inasikaso yung aking passport kasi di ko daw binigay yung itenerary ko nung huling punta ko dun! anoh??? eh pinasa ko yun sa kanila nung araw din na yun, hindi nga lang sya ang nagrcv pero binigay ko sa kanila! sus.. martes na at sa sabado na ang aking flight.. kailangan ko ang aking passport!!! nagwala ako dun sa embassy.. nagsalita talaga ko ng malakas na this is not fair! i gave my itenerary to this office! with matching pagkuha ng pangalan nya saka nung nagrcv nung papel ko.
hindi ba sila naguusap usap dun sa loob kung ano ang mga natatangap nilang dokumento! nak ng teteng naman, ang tagal na nga inabot ng medical ko tapos di pa nila bibigay ang passport ko... natakot siguro yung babae dun sa pagwawala ko kaya ayun aasikasuhin nya daw, kinabukasan daw ng umagang umaga makukuha ko passport ko kahit hindi pa daw oras ng visa release. hay.. bwisit talaga ko pero wala akong magagawa kundi ang bumalik ulit kinabukasan... sus talaga! eh kailangan ko pa kayang dumaan ng poea pagkakuha ko ng passport ko.
kinabukasan ng maaga eh nandun na ko.. kahit di pa visa releasing eh nakuha ko naman ang passport ko.. hay.. tinamad na din ako ireklamo sila kasi need ko pa dumaan ng poea at baka dun eh maubos uli ang aking pasensya.. mahaba na din malamang ang pila dun.. panibagong alamat ng paghihintay na naman to...
ganda naman ng pangalan mo. at mahilig ka din sa alamat. hehehe.
ReplyDeletesyempre maganda ako.. hehe.. oo mahilig ako sa mga alamat... salamat sa pagbisita sa aking blogblogan.
ReplyDeleteHi... I'm from Malaysia... R u Malaysian or Philipino?.. Unfortunately I don't understand ur language.. by the way, what language is it?.. :)
ReplyDelete